Elaine Nolasco

my budol-budol experience

by Elaine on June 18th, 2008

Last Sunday, June 15 ‘08 may nagpuntang girl sa church namin mga 11am yun. Nakausap niya yung pastor namin. Nirefer daw siya ni Ptr. John de Asis sa kanila kasi magdedebut yung kapatid niya this coming Sunday(June 22).Taga-Diamond Crest daw sila. Kailangan nila ng magaayos ng program(emcee, ung flow ng program, then ushers). So, inentertain ng pastor namin at the same time pati yung asawa niya. Pumasok sila sa office dahil medyo maingay sa church. Tinawag ako ni Deac. Cherry(asawa nung ptr. nmin), pinakilala ko as leader nung dance group. Siya pala si Jane, ate nung magdedebut. Nag-usap na kami. Nagulat ako dahil sa Sunday na yung event. Kelangan magprepare agad. Mabait yung girl. Mayaman ata. Yun yung description niya. Pero wala naman sa mukha. Haha!

Jane: So, ikaw yung leader nila. Bali meron din kayong dance number.

Elaine: Ilan po?

Jane: Mga 3.

Elaine: Ganun po b? Hala sa Sunday na yun. Kinakabahan naman ako.

Jane: Sagot na namin yung dress niyo.

Elaine: Wow!Talaga? Astig naman. Ano po bang style?

Jane: Meron ng design. Kaso siyempre kelangan yung gusto niyo, para comfortable kayo.

Pumasok si Faith sa office(churchmate ko). Pinakilala ko siya kay Jane. Then, nagsuggest din siya ng style ng damit. Hanggang sa napag-usapan na kukunin ni Faith yung mga dress niya sa bahay para pumili kami at paggayahan.

Then, kwentuhan pa rin. She said that her sister’s boyfriend is a US Navy. Kaya medyo bigatin. Tinatanong niya pa kung magkano daw ba ibabayad nila sa amin. Nakakahiya naman daw kasi inistorbo pa nila kami. Imbis daw na nagpapahinga na kami dahil pasukan na this week.

Deac Cherry: Ok na yung mapakain sila. Saka libre naman pala yung damit. Ok na yun. Or kung meron man tlga, sa church na lang magbigay.

Jane: O sige po. Ganun na nga lang po.

Infairness, sinabi niya din na sagot nila yung shoes/sandals namin. Kaya magkikita-kita kaming lahat ulit sa church ng 6pm dahil pupunta daw kami sa SM para makabili na. Eh di sige, ok na.

Ahmm, pulis daw pala yung tatay niya. Dahil sa pulis nga, kelangan daw ng picture namin for security purposes. Sakaling may mangyari sa amin papanagutan nila. Saka ia-add daw sa invitation..?

Elaine: Sige po, kailangan po ba isa-isa kami? Or pwedeng as a group?

Jane: Isa-isa kayo.

Elaine: Sige, kuhanan ko na lang sila sa fone ko (Nokia 6600).

Jane: Hindi, dun na lang sa fone ni Faith (Sony Ericsson Cybershot K810i)

Elaine: Hindi ba pwede yung akin? Ibubluetooth ko na lang sa’yo.

Jane: Sira kasi yung connection ko ng bluetooth.

Ayun, picture-picture kami. Pati yung iba ko pang kasama na maga-usher din. Isip ako ng isip ng pwedeng sayawin dahil sa Sunday na nga yun. Kahit ano naman daw basta pang-christian.

Jane: Sama ka sa bahay. May video kasi dun nung debut ko. Para makita mo yung ibang performance para magkaroon ka ng background kung anong gagawin niyo.

Elaine: O sige po.

That day, kasama ko yung pamangkin ko. Gusto na niyang umuwi. So, sabi ko kay Jane ihahatid ko muna siya.

Uwian na. Uuwi na din si Faith para kunin yung mga damit.

Jane: Kunin mo na yung picture nyo. Papaprint na natin sa Tungko.

Iniwan ni Faith yung fone niya sa’kin.

Bago kami sumakay ng jeep. She asked me if I have a hundred peso bill papalitan nya daw later. Sabi ko, ako na lang magbabayad ng pamasahe.

Nasa jeep..

Jane: Patingin nga nung mga pictures nyo?

Inabot ko yung fone

Jane: Bakit ganito? May nakatagilid, may hindi gitna.

Elaine: Patingin nga.

Kunwari tiningnan ko. Tapos nilagay ko na ulit sa bulsa ko. Nung mga time na yon may kausap siya sa fone.

Jane: Oh pastor. San na po kayo? Kasama ko na po si Elaine. Kausapin nyo po ba?

Hinihintay ko naman na pakausap niya sa akin. Hindi naman niya binigay.

Jane: Sa SM na pala tayo magpapaprint. Kasi dadaan si Ptr. De Asis. Mauuna na siya dun. Dadalin na niya yung fone ni Faith para mapaprint na.

Elaine: Ganun?Hindi ba pwedeng sabay tayo?Hintayin mo na lang ako.

Nahalata niya siguro na parang ayaw kong ibigay yung fone.

Jane: Kasi dadaan na si Ptr. De Asis. Alam ko naman na sa panahon ngayon mahirap magtiwala, pero don’t worry. Saka tinawagan na ni Ptr. si Ptr Jerry na dadalin yung fone ni Faith. Magkita tayo sa Chowking(Tungko).

Bumaba na kami ng jeep. Tinext ko si Ptr. Jerry about that. Hindi naman nagreply. Hindi nya pala hawak yung fone niya. Ayun, nabigay ko yung fone. Hindi ko alam kung pano nangyari.

Jane: May 100 ka ba jan?

Elaine: Wala eh. Teka. P60 na lang toh.

Jane: Sige P40 na lang. Palitan ko mamaya. Bilisan mo ha. Balik ka kaagad. Baka magtagal ka pa.

Elaine: Hindi, sandali lang ako. Ano nga pala # mo?

Binigay niya yung number niya tapos naghiwalay na kami. Binilisan namin ng pamangkin ko tapos nagpunta ko agad sa Chowking.

Pagdating ko dun, pumasok pa ko sa loob. Hala, wala siya dun. Nagtext ako sa kanya. Sabi ko, ate andito na po ako sa chowking. Asan ka na po? Hindi naman siya nagreply.

Nagload ako tapos tinawagan ko siya.

OUT OF COVERAGE AREA! :(

Tinext ko si Faith. Sabi ko sa kanya tawagan niya yung fone niya.

Faith: Hindi ko makontak. Bkit?

Parang babagsak ako. Waah! Pinapunta ko na lang siya sa Chowking. Andun pa rin kasi ko. Pero ayun, wala ng nangyari. Natangay niya na yung fone. Para na rin akong nagbigay sa kanya ng P10k. Tapos hindi pa sa akin yung fone!

Nung hapon na, nakuha nila Ptr. Jerry yung number ni Ptr. De Asis. Tinanong nila kung kilala ba niya yung girl. Hindi daw. At wala siyang nirerefer na ganun sa kanila.

The End

Description nung girl:

mataba, singkit, maitim, short hair lang.

Naka-brown siya nun and may color white na bag. Sabi nya pa, nurse daw siya sa Chinese General Hospital. At yung kapatid niya na magdedebut, nag-aaral sa FEU.

Bahala na ang Lord sa kanya. Kaya kayo -INGAT!

Filed under: Blog Posts

14 Responses to ' my budol-budol experience '

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to ' my budol-budol experience '.

  1. jho - area E said,

    on June 18th, 2008 at 10:53 am

    hala,. Grabe! in fairness kilala nya ang mga pastor ah., anyway, hayaan mo c Lord n nga bahala dun., patuloy nyang dadalhin un s kunsyensya nya., don’t wori God will replace much much better dun s nawalang fone., Ingat k n lang lagi and Godbless.,

  2. thee said,

    on June 18th, 2008 at 3:39 pm

    aun,nkita nga nmin c bf m s jobee..nbudol-budol k nga dw…haist! kunxnxa n lng tlga nya kng mron xa nun…c bid boss n bhla sknya…
    ingts lng lge! =)

  3. ruG doLl said,

    on June 18th, 2008 at 7:05 pm

    grabe naman yun,. tsk! tsk!
    may araw din un..kalmado lang

  4. Crizna said,

    on June 18th, 2008 at 8:20 pm

    WAAAAAAAAAAAAH! omigosh! ang tindi! God is the judge talaga!

    btw, own site mo toh? wah…cute =p

    ingat! God bless

  5. enhz said,

    on June 19th, 2008 at 11:45 am

    ang cute nmn ng site mo!
    wel, s pnhon ngaun mhrp tlg ung bsta2 ngti2wla kya ingt tlg! nd wid ol my xperiencs,i’v learnd dat u shud alwys ask guidnz frm God,kc hnd prn ntn kyng ingtn slf ntn..kht n ano png sbhn ntn!
    c God nlng tlg bhla skny..

  6. tofu~ said,

    on June 19th, 2008 at 8:10 pm

    tutuwa ka pa ata…kawawa nmn yung nwlan ng phone~ @_@

  7. tofu~ said,

    on June 19th, 2008 at 8:11 pm

    nkakapagtataka bat mo nga pala binagay phone?
    hmmm~

  8. Mike Lopez said,

    on June 21st, 2008 at 5:29 pm

    Curious lang ako. Bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari yung mga ganitong bagay? I mean, Kristyano yung mga biktima, gumamit ng pangalan ng pastor yung suspek, tapos ang matindi sa church pa nangyari.

    Provided na God is the judge, hindi kaya mas ok kung na-judge na nya before pa nangyari yung sitwasyon?

    Nagtatanong lang…

  9. khey said,

    on June 23rd, 2008 at 11:27 am

    grabeh!!!!.. sobra nmn un!!huhu tbay nya huh!!!dna xa nhiya ky God!!huhu haiz.. nabudol2x nrn aq eh..maraming becez..hehe at isa na d2 eh nung field3p ntn sa botzoo.. 1oo lang nmn nkuha sakn..hehe nagpkilala kz xang born again christian..etc.. kaya un aqy napabgy..hehe ainku.. dami ng manlolokong tao sa pnahon ntn ngaun..huhu asan kya mga koncnxa ng mga un..huhu.. haiz..

  10. khey said,

    on June 23rd, 2008 at 11:31 am

    realization q lang ahh.. sobrang hirap na pla tlagang magtwla ngaun.. sobrang dami ng manlolokong tao at cnungaling ngaun..huhu haiz sana 1day eh mrealizd dn nla na tuwang tuwa c satan sa gnagwa nla..huhu at lungkot na lungkot c God sa knla..huhu

  11. Elaine said,

    on June 23rd, 2008 at 5:24 pm

    wahahahaa..naloloka ko sa mga comment nyo!

  12. Deac. Cherry said,

    on July 11th, 2008 at 12:28 am

    Elaine… “God sometimes takes us into troubled waters not to drown us but to cleanse us!”
    Pinayagan ng Dios na mangyari yun hindi para masaktan tayo kundi matuto tayo… Ingat ka palagi…
    tinggnan mo yung pangyayari sa isang positibong pagtingin…

  13. emz said,

    on October 13th, 2009 at 1:07 pm

    hi… i read your story. its almost the same of what happened to our choir at Marikina City recently, we’re victimized too. We have picture of this girl and i sent it to you, please check. thank you. i’ll keep in touch.

  14. Arvin said,

    on January 26th, 2010 at 11:57 am

    My budol budol exp.
    Last Saturday
    By the Jan.23.10
    I was At festival mall
    at 4:00pm
    by the man tell as can u help me
    guy1:can u help me
    Arvin:ok anu po kelangan nio
    Guy1:eto kekwento ko sau inyo
    yung pamaking ko babae pinaghihipo ng mga rakista
    eh may mga dala sila ng FOurfinger knife at etc
    eh.
    guy1:helo pede mo ba ko tulugan
    guy2; name by joy
    opo anu ba kailangan natin gawin
    guy1; kng pede ba pumunta tau dun sa malapit sa Alabang Zapote paking
    Arvin: sige po pakalipas ng 10 min
    sa kinakaupuan namin
    dinala kami kng san saan
    ako naman wla pa ako sa sarili
    ksi nga na hypnotized ako kaya wla ako masyado matadaan
    kaya bumalik ako kasama ko ang kaibigan ko 12yrs
    sabi ng friend ko bumalik na tau kuya Arvin
    prang kutob ko niligaw tau nung 3 ksama
    aRVIN; Oo nga balik na tau
    pakatapos bumalik ako dun sa pinagaligan ko nakita namin wla na sila kaya
    kng ako sa inyo gawin yun
    ang nawala sakin Laptop and Mp6 1500 na money
    BY arvin on jan 23.10

Leave a reply